Hindi naman naging matamlay ang pagdiriwang ng ika-235 kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 2 Abril 2023. Mayroon namang mga inihandang programa sa tatlong mahalagang pook sa kaniyang búhay sa Pandacan, Maynila; Panginay na Balagtas ngayon, sa Bulakan; at Orion, Bataan. Narinig natin ang mga mensahe ng mga lingkodbayan at mga alagad ng sining. NataonContinue reading “Mulang Alimuom 49: Balagtas Bilang Makata ng Daigdig”
Tag Archives: Roy Rene S. Cagalingan
Mulang Alimuom 28: Sa Ngalan ng Ama
Ipinagdiwang natin noong 19 Agosto ang ika-143 kaarawan ni Manuel L. Quezon (1878–1944). Masaya ang mga taga-Lungsod Quezon dahil holiday sa kanila. May mga paskil maya’t maya ang ating mga guro at ilang alagad ng wika. Ulit-ulit ang banggit at parangal sa ating Ama ng Wikang Pambansa. Kayâ naitanong rin sa sarili: bakit nga baContinue reading “Mulang Alimuom 28: Sa Ngalan ng Ama”
Mulang Alimuom 27: Sa Mga Mahal Nating Umalagad
Palala lámang nang palala ang mga pangyayari kaugnay ng pandemya sa Filipinas. Minsan, di na nating maiwasang isipin na iniwan na talaga táyo para isalba ang ating mga sarili. Wala kasing malinaw na plano. Gabi-gabi na lámang táyo makaririnig ng mga pasaring, ng mga mura, ng mga bagay na di makapapanatag ng ating mga kalooban.Continue reading “Mulang Alimuom 27: Sa Mga Mahal Nating Umalagad”
Mulang Alimuom 25: Ang Gantí na Palà sa Gantimpala
Dahil sa tagumpay ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics, mga panahon itong kaysarap sabihin na Filipino táyo. Walang duda, ang bulawang sandali ng ating atleta ay naukit na sa kasaysayan. Mapalad táyong mga nakasaksi rito. Binubuksan pa nitó ang mga bulawang bakod tungo sa pagpapataas pa ng ating karangalan at pagtingin sa sarili. Ngunit angContinue reading “Mulang Alimuom 25: Ang Gantí na Palà sa Gantimpala”
Mulang Alimuom 23: Sa Daigdig ng Nakasanayan
Sa “Pahayag” ni Emilio Jacinto, nagtanong ang isang kabataan kay Kalayaan hinggil sa dapat gawin sa kaniyang kinasadlakan. Bago ito, naglatag si Kalayaan ng mga dapat ipagluksa, partikular ang pagbitay sa Gomburza at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Isasagot naman ng kabataan: Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga Tagalog ayContinue reading “Mulang Alimuom 23: Sa Daigdig ng Nakasanayan”
Mulang Alimuom 22: Ang Wika Ng Ating Mga Sariling Nilalang
May kakaibang pananabik na nalikha ang paglabas ng trailer ng Trese dalawang linggo na ang nakararaan sa Netflix. Ang tanyag na serye ng komiks nina Budjette Tan at Kajo Baldisimo ay lalabas bílang anime series sa nasabing platform at ipinakikilala nitó ang hiwaga ng daigdig ng ating mga sariling nilalang. Daigdig ito ng mga nunò,Continue reading “Mulang Alimuom 22: Ang Wika Ng Ating Mga Sariling Nilalang”
Mulang Alimuom 18: Kawalang-panatag
Hinahanap ko ang salitang “panatag” sa lumang diksiyonaryo. Wala roon. Sa mga ganitong pagkakataon, madaling sabihin na kung wala ang salita, marahil wala ang konseptong karga-karga nitó. Salamat na lámang sa iba pang kalapit na salita kaya nakapunta ako sa “patag” na nagturo sa“pantay” at “banayar.” Narito ang kanilang mga lahok sa Vocabulario de laContinue reading “Mulang Alimuom 18: Kawalang-panatag”
Ahon-Lusong: Sa McKinley
Aaminin ko na hindi pa ganoong katalik ang ugnayan ko sa aking bisikleta kompara sa motor. Mas marami na kasing biyahe sa hulí kaysa nauna at mas marami nang balibag1. Hulí man ako sa pagbibisikleta, maituturing na rin na pagtutuloy ito sa gawain noong pagkabata. Mula sa mundong iyon ng pagkabata, humahagibis ang bisikleta tungoContinue reading “Ahon-Lusong: Sa McKinley”
Mulang Alimuom 14: Ang Pinagmulan ng Kapuwa
Mas mauunawaan natin ang isang salita kapag binalikan ang mga pinakamatandang pakahulugan dito. Mas matanda, mas mainam (ngunit hindi ito totoo sa mga D.O.M). Paraan din ito upang makitaang nangyaring pagbabago ng kahulugan sa isang lipunan. Kaya nais kong balikan ang naunang pagpapakahulugan sa kapuwa. Sa konstruksiyon [ka+puwa] nito, lumilitaw na varyant lámang angContinue reading “Mulang Alimuom 14: Ang Pinagmulan ng Kapuwa”
Mulang Alimuom 13: Kakaibang Pasko
May ibang pakiramdam sa nalalapit na Pasko. Sa unang pagkakataon, marahil, ipagdiriwang natin ito na sagana sa iba’t ibang bawal. Bawal muna ang mga party, caroling, pagmamano, at iba pang gawain sa pinakaaabangan nating panahon. Isa lamang sa hindi ipinagbabawal ang Christmas in Our Hearts ni Jose Mari Chan na isang penomeno na dapat dingContinue reading “Mulang Alimuom 13: Kakaibang Pasko”