May mána na, may sarili pa. Napahanap ako ng salawikain hinggil sa pamána sa kontrobersiya ngayon hinggil sa ating mambabatok na si Whang-Od at ng Nas Daily. Sa antolohiya ni Damiana Eugenio, lumitaw ang salawikaing Tagalog na ito sa entri para sa “inheritance.” Nagtanong agad ako sa nakatatanda (ang Nanay ko) kung narinig na baContinue reading “Mulang Alimuom 26: Mána-mána Lang ‘yan”
Tag Archives: Roy Rene Cagalingan
Mulang Alimuom 24: Ang Wika ng Ating mga Binibini
“For me, being Miss Universe is not just about knowing how to speak a specific language. It’s being able to influence and inspire other people. So whatever language you have, as long as your heart is to serve and you have a strong mind to — to show to people, then you can be MissContinue reading “Mulang Alimuom 24: Ang Wika ng Ating mga Binibini”
Mulang Alimuom 21: Ang Birong Nagsabulag
Sa pagbibiro, mayroon táyong ginawang suspensiyon ng ngayon. Nais nating maiba ang kasaluluyan, kahit saglit, at ipanghalili rito ang tuwa at halakhak. Tumutok ka na lámang sa mga noontime show at dito makikita ang pagkakasangkapan sa pagpapatawa upang maibsan ang iba pang problema. Pagpapatawa muna sa tanghali dahil di pa tapos ang araw hanggang dumakoContinue reading “Mulang Alimuom 21: Ang Birong Nagsabulag”
Mulang Alimuom 20: Ang Natutuhan sa Nagdaan
Umugong na naman ang usapin sa natutuhan nitong nagdaang linggo. Una muna, kailangangang pagpugayan ang mga tulad ni Kara David na nagpapalaganap ng mga praktikal na payo sa paggamit ng wika. Hindi madaling trabaho ang pagbabahagi para matuto ang iba dahil laging mayroong kaakibat ito na pag-usisa dahil ganito naman ang landas tungong karunungan. TawaginContinue reading “Mulang Alimuom 20: Ang Natutuhan sa Nagdaan”
Mulang Alimuom 19: Si Lapulapu at ang Pangangailangan sa Hulagway
Marami sa atin dito ang lumaki sa bansag na “unang bayani” kay Lapulapu. Sa ating mga textbook, may kaakibat pa ang ilan sa mga ito ng imahen ng datu ng Mactan. Madarama doon ang tapang, bagsik, at marangal na hinahon sa mukha ng pinunong nása katamtamang edad. Naitatak sa atin na siya ang nauuna saContinue reading “Mulang Alimuom 19: Si Lapulapu at ang Pangangailangan sa Hulagway”
Mulang Alimuom 17: Tungo sa Maginhawa
Higit isang taon nang sumalakay ang pandemya at parang mas lumalala pa ang ating kondisyon. Nariyan ang pangako ng bakuna ngunit kalaban natin ang panahon at mga mapagsamantalang puwersang ginagawang sandatang politikal ito. Tumataas ang mga kaso at punuan na ang mga ospital. Sa likod ng mga numero ang mga pangalan ng mga kapuwang tuladContinue reading “Mulang Alimuom 17: Tungo sa Maginhawa”
Mulang Alimuom 15: Bago ang Taon
Mia-alin so mosim na kaonton so taoSalawikaing Mëranaw [Nagbago ang taon, pati ang tao.] Nalalapit na táyo sa pagtatapos ng taon. At tiyak marami tayong masasabi hinggil sa naging danas natin. Maraming bágong salita na naipasok sa kamalayan natin dahil sa pandemya, ngunit mainam pa rin na balikan ang mga nauna rito upang magkaroon ngContinue reading “Mulang Alimuom 15: Bago ang Taon”
Mulang Alimuom 12: Kapuwa Táyong Tatalikod Sa Resiliency
Dumaloy na rin ang panahon upang masabi nating hindi na dapat ikinakabit ang “resiliency” bílang positibong katangian ng mga Filipino tuwing may sakuna. Dapat na táyong lumayo sa madaling paghilig sa kahulugan nitóng pumatungkol sa kakayahan na bumangon mula sa isang di-kanais-nais na pangyayari. Panahon na para ilibing ito at maghanap ng ibang akmang konseptoContinue reading “Mulang Alimuom 12: Kapuwa Táyong Tatalikod Sa Resiliency”
Mulang Alimuom 10: Ang Pagdating ng Bálam-Araw/Bálang-araw
Hinahangad ng Alimuom ngayon na gawing lunsaran ang artikulo ni M.C. Pangan na “Isang Dali” na lumabas sa Pagmumuni sa Pinagmulan noong nagdaang linggo sa espasyong ito. Sa artikulo, binagtas ang ilang kahulugan ng sandali mulang katutubo hanggang sa ginawang pagtatapat nitó (o imposisyon?) sa minuto ng Español na lumaganap sa mga kontemporaneong diksiyonaryo. SaContinue reading “Mulang Alimuom 10: Ang Pagdating ng Bálam-Araw/Bálang-araw”
Mulang Alimuom 9: Sa Empiryo ng Buhangin, Ilusyon, at Pangangarap
Nalambat ang atensiyon ng madla sa presensiya ng tumpok-tumpok na sinasabing nagpaganda sa kondisyon ng ating pamumuhay sa lungsod. Pumasok sa ating kamalayan ang posibilidad ng kagandahan, na ang puting buhangin ay hindi lámang para sa mga magtutungo sa Boracay at iba pang eksklusibong pook upang danasin ang isla namin-sa-loob-ng–islang pakiramdam (aking tatalakayin ito saContinue reading “Mulang Alimuom 9: Sa Empiryo ng Buhangin, Ilusyon, at Pangangarap”