Pagkakataon ang eleksiyon upang masipat at mapagnilayan natin ang ating tanawing pangwika o linguistic landscape. Gagamitin natin ang batayang kahulugan nitó na pumapatungkol sa ating nakikitang mga wika sa iba’t ibang paskil sa ating paligid. Hindi ba babád na babád táyo ngayon sa inilalapit sa ating mensahe ng mga politiko? Isang mainam na ehersisyo angContinue reading “Mulang Alimuom 38: Bílang Filipino“
Tag Archives: Roy Rene Cagalingan
Mulang Alimuom 37: Frankly, Manong Frankie
Hindi alam ni Manong Frankie ang pangalan ko. Wala kaming anumang relasyon bukod sa relasyong awtor-mambabasá. Iyon naman ang mahalaga. Kung may poetic distance, matatawag natin itong prosaic distance. Tipong mala-sagang Rosales ang layo. Ang distansiyang ito ang magbibigay rin sa akin ng udyok na magbahagi ng ilang mga karanasan (totoo ang karamihan dito) kasamaContinue reading “Mulang Alimuom 37: Frankly, Manong Frankie”
Mulang Alimuom 36: Mga Nakaw na Salita
Ngayon at nangangampanya na ang mga politiko, angkop na pagkakataon ito upang makilala natin ang mga gawi ng magnanakaw. Alam naman natin ang gawain ng magnanakaw: kumukuha siya ng mga bagay na hindi kaniya. Nagkakamal siya ng kayamanan (sa kaso ng mga politiko, kaban ito ng bayan) ng ibang tao at ginagamit upang matiyak angContinue reading “Mulang Alimuom 36: Mga Nakaw na Salita”
Mulang Alimuom 35: Aling-Pag-ibig-Pa Complex
Sa darating na ika-158 kaarawan ni Andres Bonifacio sa 30 Nobyembre 2021, tiyak na maririnig natin ang sanlaksang pagsambit ng ating mga politiko sa ganitong paraan: Gawa nga ng sinabi ng ating dakilang bayaning si Gat Andres Bonifacio: Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya / sa pagkadalisay at pagkadakila / gaya ng pag-ibig sa tinubuangContinue reading “Mulang Alimuom 35: Aling-Pag-ibig-Pa Complex”
Mulang Alimuom 34: Si Yuka Saso at Tudbulúl
Lumabas ang balita kamakailan hinggil sa pagpili ng golfer na si Yuka Saso na maging mamamayan ng Japan sa halip na Filipinas. Isang malungkot na balita ngunit kailangang tingnan din ang dahilan. Mas maraming pagkakataon ang naghihintay kay Saso kasama na ang tangkilik ng bansang Japan sa kaniyang karera bílang golfer. Kailangan na lámang natingContinue reading “Mulang Alimuom 34: Si Yuka Saso at Tudbulúl”
Mulang Alimuom 33: Naturalisadong Halloween?
Napapansin na natin malamang ang pagiging tanggap at laganap ng Halloween sa nagdaang dekada. Inaabangan ito hindi lámang ng mga bata kundi ng matatanda’t nakaririwasa upang itanghal ang kanilang kakayahang magbalatkayo anuman ang kaakibat na halaga. Hindi ba natin nahahalata na ang mga mismong “influencer” at ang kulturang celebrity ang nagtataguyod at nagpapalaganap pa laloContinue reading “Mulang Alimuom 33: Naturalisadong Halloween?”
Mulang Alimuom 32: Kapangyarihan sa Salawikain
Sa patuloy na pag-unawa sa kapangyarihan, napasilip ako sa Proverbs (2002) ni Damiana L. Eugenio at nakita sa “powerful” ang nag-iisang lahok para rito mula sa mga Ibanag: Ta gagange malalakiDumddan y manaki(Ang tunay na makapangyarihan,Yumuyuko ang sinuman.) Una, hindi ibig sabihin na ito lámang ang ating salawikain para sa kapangyarihan. Tandaan na isang patuluyangContinue reading “Mulang Alimuom 32: Kapangyarihan sa Salawikain”
Mulang Alimuom 31: Paglulugar ng “Kapangyarihan” ng Ben&Ben at SB19
Apat na beses lámang babanggitin ang salitang “kapangyarihan” sa awit na “Kapangyarihan” ng Ben&Ben at SB19. Sapat na pagkakataon para mapaglimian natin ang nais at ibig sabihin sa atin ng mga musikero hinggil sa salita. Awitin itong hindi lámang para mang-aliw at magdudulot sa atin ng pagkakataong kumawala sa mga realidad ng lipunan. Sa halip,Continue reading “Mulang Alimuom 31: Paglulugar ng “Kapangyarihan” ng Ben&Ben at SB19 “
Mulang Alimuom 30: Iba’t ibang inggit
Isang karangalan para sa Filipinas ang pagkakaloob kay Maria Ressa ng Rappler ng Premyo Nobel para sa Kapayapaan 2021. Ang pagkilalang ito ay pagkilala rin sa kondisyong umiiral sa ating bansa na ibinabalita sa atin ng mga peryodista tulad ni Ressa. Matakot táyo kung darating ang araw na wala nang mga tulad nina Ressa atContinue reading “Mulang Alimuom 30: Iba’t ibang inggit”
Mulang Alimuom 29: Wanted: Pinunong Katipunera/o
Mas umaatikabo na ang palabas. Tanghalan nitó ang Sofitel sa Lungsod Pasay para sa mga táong nag-aasam na paglingkuran ang taumbayan sa pambansang antas. Nariyan ang ritwal ng pagpaparetrato, ang mga talumpati, at ang mga hesto ng mga politiko. Pumikit at pakinggan ang kanilang sinasabi. Tila ba pare-pareho? Marahil ang pinakabago ngayon ay ang mgaContinue reading “Mulang Alimuom 29: Wanted: Pinunong Katipunera/o“