Nagpunta ako kamakailan sa Bohol, ang lalawigang kinaroroonan ng tanyag na Chocolate Hills. At dito, naobserbahan ko ang tinatawag na Rice Terraces Syndrome1 ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario. Upang maipaliwanag ang syndrome na ito, ganito ang nangyari: ulit-ulit akong nagtanong sa mga nakasama sa tawag nilá sa kanilang ipinagmamalaking mga buról saContinue reading “Mulang Alimuom 48: Rice Terraces Syndrome sa Chocolate Hills”
Tag Archives: Roy Rene Cagalingan
Mulang Alimuom 47: Ibalik ang tula sa puso ng madla
Dalawa na ang tampok na pagdiriwang sa Filipinas tuwing Nobyembre. Nariyan na ang kaarawan ni Andres Bonifacio, isang pambansang holiday tuwing 30; at ngayon, ang Pambansang Araw ng Pagtula tuwing 22 Nobyembre. Mauuna ang pagdiriwang para sa pagtula at ang petsang ito ang kaarawan ng dakilang makatang si Jose Corazon De Jesus (22 Nobyembre 1894–26Continue reading “Mulang Alimuom 47: Ibalik ang tula sa puso ng madla”
Mulang Alimuom 46: Walang Hospitality ang mga Filipino
May nagtanong sa akin na iskolar ng turismo kamakailan hinggil sa “hospitality.” Naghahanap kasi siya ng mga salita mula sa ating katutubong wika na may kaugnayan sa “hospitality.” Napakagandang pag-uusisa ito lalo na mula sa hanay ng mga nagsasaliksik hinggil sa turismo at hospitality management. Kayâ ugatin muna natin ang “hospitality” na lagi nating ikinakabitContinue reading “Mulang Alimuom 46: Walang Hospitality ang mga Filipino“
Mulang Alimuom 45: Buwan ng Pagninilay para sa Wika
Sa apendiks ng A Matter of Language ni Rolando S. Tinio, matatagpuan ang sanaysay na “Pilipino as a Medium for Higher Learning.” Panayam ito na ibinigay niya noong 1974 sa isang kumperensiya sa edukasyong bilingguwal sa Pamantasang Ateneo. Dito, ibinahagi ni Tinio ang kaniyang mga haka sa paggamit ng wikang pambansa sa antas tersiyarya. BahagiContinue reading “Mulang Alimuom 45: Buwan ng Pagninilay para sa Wika”
Ehersisyo sa Paghinga
Lunas sa Nabubuong Lubos ni Paul Alcoseba CastilloUniversity of Santo Tomas Press, 2021 Masasabi nating nasubok ang paghinga natin sa mga panahon na ito. Naging maingat táyo nang hindi mailagay ang paghinga natin sa alanganin ngayong pandemya. Humikbi táyo at tíla naubos ang hangin sa naging resulta ng eleksiyon habang nagtutuloy ang paghihingalo ng mgaContinue reading “Ehersisyo sa Paghinga”
Mulang Alimuom 44: Pitóng Memo Mula at Tungo sa Ating Marangal na Tagumpay
Marami sa atin marahil ang nagdadalamhati. Ibinuhos na nating lahat para sa pagtataguyod ng pamumunong malinis at marangal. Kinulang ba táyo? Hinding-hindi. Ibinibigay sa atin ngayon ng panahon ang pagkakataon na magnilay at magpahinga. At matapos ito, ang walang-hanggang trabaho. Panimulang tangka ito sa paglalatag ng mga gabay para sa pagpapatuloy ng Himagsikang Rosas. UnaContinue reading “Mulang Alimuom 44: Pitóng Memo Mula at Tungo sa Ating Marangal na Tagumpay”
Mulang Alimuom 43: Liwanag (at/sa) Dilim
Nagtutuloy ang Himagsikang Rosas at kinakailangan ng anumang himagsikan ang mga imno upang pasiglahin at pag-alabin ang kalooban ng mga kaanib nitó. Sa kaso nating ito, nariyan ang mga awiting “Rosas,” “Kay Leni Tayo,” at “Liwanag sa Dilim.” Pag-uukulan natin ng pansin ngayon ang “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya at iuugnay ito sa konsepto ngContinue reading “Mulang Alimuom 43: Liwanag (at/sa) Dilim”
Mulang Alimuom 42: Emilio Jacinto, kabataang “woke”
Nagdiriwang táyo ngayon ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas at isa sa mga dahilan nitó ang pagkamatay ng rebolusyonaryong manunulat na si Emilio Jacinto noong 16 Abril 1899 sa Laguna. sa edad na 24. Akmang-akma ang gagawin nating paggunita sa ating dakilang bayani sa darating na Mahal na Araw, sa Sabado de Glorya. Kayâ kungContinue reading “Mulang Alimuom 42: Emilio Jacinto, kabataang “woke””
Mulang Alimuom 41: Balagtas, manggagawang pangkultura
Nagdaan muli ang kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar nitong 2 Abril. 234 taóng gulang na siya. Tiyak, nagbigay na naman ang ilang personalidad ng mga talumpating punô ng papuri sa ating makata. Nariyan na ang inmortal na pagbanggit sa kaniyang Florante at Laura (nabása na ba natin ang iba niyang akda?), pagpupugay sa kaniyang pagigingContinue reading “Mulang Alimuom 41: Balagtas, manggagawang pangkultura”
Mulang Alimuom 39: Ang Magbangon ay Di Biro
Sa pagpapatuloy ng ating pagninilay sa mga tanawing pangwika, pagtutuonan natin ng pansin ngayon ang paggamit ng “bangon” ng isang kandidato sa pagkapangulo. Ating hahanguin ang mga kahulugan nitó mula sa kasalukuyan pabalik sa mas sinauna. Una, ang mga halimbawa nitó sa kasalukuyan at kulturang popular. Tanyag na tanyag riyan ang paggamit ng isang brandContinue reading “Mulang Alimuom 39: Ang Magbangon ay Di Biro”