Walang Lahi

Nitóng mga nakaraang buwan, masugid akong sumusubaybay sa tatlong Facebook groups tungkol sa mga pusa. Sa mga pahinang ito, karaniwan nang paskil ang mga nakakatawang retrato ng alagang pusa ng mga Pinoy furparent, mga tanong tungkol sa mga dapat gawin kung unang beses maging meowmy or meowdy, lost and found na mga pusa, at tipsContinue reading Walang Lahi

Isang Lápit sa Dalamhati

Dalawang taon na táyo sa pandemya. Marahil noong Marso 2020 hindi natin lubos maisip kung paano táyo hahantong sa 2022, o sa susunod na buwan, o susunod na araw lalo’t kabi-kabila ang nakararating na mga balitang malagim. Nadádamá na sa bawat araw na lumilipas, papalapít nang papalapít sa atin ang epekto ng pandemya, sa aspektoContinue reading “Isang Lápit sa Dalamhati”

Daniw sa Pangkaraniwan

Matagal ko nang ipinangako kay Lean Borlongan na gagawan ko ng ribyu ang kaniyang aklat. Marami nang nangyari sa loob ng isang taon at bagaman nabása ko na noong 2021 ang aklat niyang ito, may bago pa ring hinahandog ang tula sa akin ngayong muling binuklat at binása. Nailathala noong 2021 ang Pasakalye, at ikatloContinue reading “Daniw sa Pangkaraniwan”

Sa Ngalan ng Pagsukat

Panahon na naman ng kampanya. Naglipana na naman ang mga mukha at presensiya ng mga sumusuyo sa mga botante. Mapakaratula sa kalsada o ad sa telebisyon, damáng-damá saanman ang mga kandidato; primaryang motibasyon ang pagpapabatid ng plataporma sa mga tao pag-asang maligawan ang mga tao.  Nagpabago sa tanawin ng kampanya ang paggamit ng social mediaContinue reading “Sa Ngalan ng Pagsukat”

Dilang Pampinuno

Noong Sabado ng gabi, inabangan ng daang libong Filipino ang Jessica Soho Interviews sa apat [lima sana] na kumakandidato sa pagkapangulo at top 5 sa mga survey: VP Leni Robredo, Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao, at Mayor Isko Moreno Domagoso. Habang isinusulat ang artikulong ito, may 2.4 million views na ang nasabing palabas saContinue reading “Dilang Pampinuno”

Pagmumuni sa Pinagmulan: Bitag sa Pananagisag

Muli na namang nawili ang bansa sa koronasyon ng ika-70 Miss Universe noong 13 Disyembre 2021. Bagaman hindi nasungkit ng pambato ng Filipinas na si Beatrice Luigi Gomez ang pinakainaasam na korona, samot-saring balita at suporta ang ating mababasa sa social media sites: hindi biro umano na makapasok muli ang Filipinas sa Top 5; ginawaContinue reading “Pagmumuni sa Pinagmulan: Bitag sa Pananagisag”

+

Nayakap ka na ba nang mahigpit? ’Yung tipong kusang sumisikip ang tadyang mo sa tibay ng mga brasong kumukulong sa iyo? Nanamnamin ang eternal na sandali sa pagpapadamá ng pag-ibig, at likás na sa iyong kumawala para maghagilap ng hangin. Sapat na ang isang saglit. Ngunit hindi ganito ’pag Covid positive. Nakadagan sa bagà angContinue reading “+”

Pagmumuni sa Pinagmulan: Hinalà

Sa artikulong ito, kung mamarapatin ay samahan akong pag-isipan ang isang salitang madalas nating ginagamit sa kasalukuyan, sa personal man at lalo na sa pambansang mga usapin—ang “hinalà.” Karaniwan na para sa tao ang maghinala. Nag-uugat ito sa kaniyang naging ebolusyon at bahagi ng kaniyang pagtiyak na mapanatili ang sarili (self-preservation). Sa likás na aksiyongContinue reading “Pagmumuni sa Pinagmulan: Hinalà”

Pagmumuni sa Pinagmulan: Isang Dalî

Nitóng linggo, nagkaroon ako ng pagkakataong mabása ang librong The Book of Ichigo Ichie nina Hector Garcia at Francese Miralles. Pilosopiya hinggil sa pagsasabuhay ng sandali (living the moment) ang tinatalakay sa aklat at kung paano ipapasok sa pamumuhay ang konseptong ito. Ang ichigo ichie, na may literal na kahulugan na “minsan, isang pagtatagpo” (once,Continue reading “Pagmumuni sa Pinagmulan: Isang Dalî”

Pagbulusok

Isang Dula hinggil sa Krisis Ekonomiko ng Asya sa Apat na Yugtoni Jean Tay Mga Tauhan ISABEL, isang dalagang Singaporean, mahigit-kumulang 25 ang edad, newscaster INA, isang dalagang Indonesian-Chinese sa mahigit-kumulang 20 ang edad (maaaring gumanap ang iisang aktres bilang Isabel at Ina) KORO, binubuo ng tatlong lalaki; LALAKI A, LALAKI B, at LALAKI CContinue reading “Pagbulusok”