Nagpunta ako kamakailan sa Bohol, ang lalawigang kinaroroonan ng tanyag na Chocolate Hills. At dito, naobserbahan ko ang tinatawag na Rice Terraces Syndrome1 ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario. Upang maipaliwanag ang syndrome na ito, ganito ang nangyari: ulit-ulit akong nagtanong sa mga nakasama sa tawag nilá sa kanilang ipinagmamalaking mga buról saContinue reading “Mulang Alimuom 48: Rice Terraces Syndrome sa Chocolate Hills”
Tag Archives: Filipino
Walang Lahi
Nitóng mga nakaraang buwan, masugid akong sumusubaybay sa tatlong Facebook groups tungkol sa mga pusa. Sa mga pahinang ito, karaniwan nang paskil ang mga nakakatawang retrato ng alagang pusa ng mga Pinoy furparent, mga tanong tungkol sa mga dapat gawin kung unang beses maging meowmy or meowdy, lost and found na mga pusa, at tipsContinue reading “Walang Lahi“
Mulang Alimuom 47: Ibalik ang tula sa puso ng madla
Dalawa na ang tampok na pagdiriwang sa Filipinas tuwing Nobyembre. Nariyan na ang kaarawan ni Andres Bonifacio, isang pambansang holiday tuwing 30; at ngayon, ang Pambansang Araw ng Pagtula tuwing 22 Nobyembre. Mauuna ang pagdiriwang para sa pagtula at ang petsang ito ang kaarawan ng dakilang makatang si Jose Corazon De Jesus (22 Nobyembre 1894–26Continue reading “Mulang Alimuom 47: Ibalik ang tula sa puso ng madla”
Mulang Alimuom 46: Walang Hospitality ang mga Filipino
May nagtanong sa akin na iskolar ng turismo kamakailan hinggil sa “hospitality.” Naghahanap kasi siya ng mga salita mula sa ating katutubong wika na may kaugnayan sa “hospitality.” Napakagandang pag-uusisa ito lalo na mula sa hanay ng mga nagsasaliksik hinggil sa turismo at hospitality management. Kayâ ugatin muna natin ang “hospitality” na lagi nating ikinakabitContinue reading “Mulang Alimuom 46: Walang Hospitality ang mga Filipino“
Ehersisyo sa Paghinga
Lunas sa Nabubuong Lubos ni Paul Alcoseba CastilloUniversity of Santo Tomas Press, 2021 Masasabi nating nasubok ang paghinga natin sa mga panahon na ito. Naging maingat táyo nang hindi mailagay ang paghinga natin sa alanganin ngayong pandemya. Humikbi táyo at tíla naubos ang hangin sa naging resulta ng eleksiyon habang nagtutuloy ang paghihingalo ng mgaContinue reading “Ehersisyo sa Paghinga”
Mulang Alimuom 44: Pitóng Memo Mula at Tungo sa Ating Marangal na Tagumpay
Marami sa atin marahil ang nagdadalamhati. Ibinuhos na nating lahat para sa pagtataguyod ng pamumunong malinis at marangal. Kinulang ba táyo? Hinding-hindi. Ibinibigay sa atin ngayon ng panahon ang pagkakataon na magnilay at magpahinga. At matapos ito, ang walang-hanggang trabaho. Panimulang tangka ito sa paglalatag ng mga gabay para sa pagpapatuloy ng Himagsikang Rosas. UnaContinue reading “Mulang Alimuom 44: Pitóng Memo Mula at Tungo sa Ating Marangal na Tagumpay”
Sa Ngalan ng Pagsukat
Panahon na naman ng kampanya. Naglipana na naman ang mga mukha at presensiya ng mga sumusuyo sa mga botante. Mapakaratula sa kalsada o ad sa telebisyon, damáng-damá saanman ang mga kandidato; primaryang motibasyon ang pagpapabatid ng plataporma sa mga tao pag-asang maligawan ang mga tao. Nagpabago sa tanawin ng kampanya ang paggamit ng social mediaContinue reading “Sa Ngalan ng Pagsukat”
Mulang Alimuom 37: Frankly, Manong Frankie
Hindi alam ni Manong Frankie ang pangalan ko. Wala kaming anumang relasyon bukod sa relasyong awtor-mambabasá. Iyon naman ang mahalaga. Kung may poetic distance, matatawag natin itong prosaic distance. Tipong mala-sagang Rosales ang layo. Ang distansiyang ito ang magbibigay rin sa akin ng udyok na magbahagi ng ilang mga karanasan (totoo ang karamihan dito) kasamaContinue reading “Mulang Alimuom 37: Frankly, Manong Frankie”
Mulang Alimuom 34: Si Yuka Saso at Tudbulúl
Lumabas ang balita kamakailan hinggil sa pagpili ng golfer na si Yuka Saso na maging mamamayan ng Japan sa halip na Filipinas. Isang malungkot na balita ngunit kailangang tingnan din ang dahilan. Mas maraming pagkakataon ang naghihintay kay Saso kasama na ang tangkilik ng bansang Japan sa kaniyang karera bílang golfer. Kailangan na lámang natingContinue reading “Mulang Alimuom 34: Si Yuka Saso at Tudbulúl”
Mulang Alimuom 32: Kapangyarihan sa Salawikain
Sa patuloy na pag-unawa sa kapangyarihan, napasilip ako sa Proverbs (2002) ni Damiana L. Eugenio at nakita sa “powerful” ang nag-iisang lahok para rito mula sa mga Ibanag: Ta gagange malalakiDumddan y manaki(Ang tunay na makapangyarihan,Yumuyuko ang sinuman.) Una, hindi ibig sabihin na ito lámang ang ating salawikain para sa kapangyarihan. Tandaan na isang patuluyangContinue reading “Mulang Alimuom 32: Kapangyarihan sa Salawikain”