Panahon na naman ng kampanya. Naglipana na naman ang mga mukha at presensiya ng mga sumusuyo sa mga botante. Mapakaratula sa kalsada o ad sa telebisyon, damáng-damá saanman ang mga kandidato; primaryang motibasyon ang pagpapabatid ng plataporma sa mga tao pag-asang maligawan ang mga tao. Nagpabago sa tanawin ng kampanya ang paggamit ng social mediaContinue reading “Sa Ngalan ng Pagsukat”
Tag Archives: Eleksiyon 2022
Mulang Alimuom 39: Ang Magbangon ay Di Biro
Sa pagpapatuloy ng ating pagninilay sa mga tanawing pangwika, pagtutuonan natin ng pansin ngayon ang paggamit ng “bangon” ng isang kandidato sa pagkapangulo. Ating hahanguin ang mga kahulugan nitó mula sa kasalukuyan pabalik sa mas sinauna. Una, ang mga halimbawa nitó sa kasalukuyan at kulturang popular. Tanyag na tanyag riyan ang paggamit ng isang brandContinue reading “Mulang Alimuom 39: Ang Magbangon ay Di Biro”
Mulang Alimuom 38: Bílang Filipino
Pagkakataon ang eleksiyon upang masipat at mapagnilayan natin ang ating tanawing pangwika o linguistic landscape. Gagamitin natin ang batayang kahulugan nitó na pumapatungkol sa ating nakikitang mga wika sa iba’t ibang paskil sa ating paligid. Hindi ba babád na babád táyo ngayon sa inilalapit sa ating mensahe ng mga politiko? Isang mainam na ehersisyo angContinue reading “Mulang Alimuom 38: Bílang Filipino“
Dilang Pampinuno
Noong Sabado ng gabi, inabangan ng daang libong Filipino ang Jessica Soho Interviews sa apat [lima sana] na kumakandidato sa pagkapangulo at top 5 sa mga survey: VP Leni Robredo, Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao, at Mayor Isko Moreno Domagoso. Habang isinusulat ang artikulong ito, may 2.4 million views na ang nasabing palabas saContinue reading “Dilang Pampinuno”
Mulang Alimuom 36: Mga Nakaw na Salita
Ngayon at nangangampanya na ang mga politiko, angkop na pagkakataon ito upang makilala natin ang mga gawi ng magnanakaw. Alam naman natin ang gawain ng magnanakaw: kumukuha siya ng mga bagay na hindi kaniya. Nagkakamal siya ng kayamanan (sa kaso ng mga politiko, kaban ito ng bayan) ng ibang tao at ginagamit upang matiyak angContinue reading “Mulang Alimuom 36: Mga Nakaw na Salita”
Mulang Alimuom 35: Aling-Pag-ibig-Pa Complex
Sa darating na ika-158 kaarawan ni Andres Bonifacio sa 30 Nobyembre 2021, tiyak na maririnig natin ang sanlaksang pagsambit ng ating mga politiko sa ganitong paraan: Gawa nga ng sinabi ng ating dakilang bayaning si Gat Andres Bonifacio: Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya / sa pagkadalisay at pagkadakila / gaya ng pag-ibig sa tinubuangContinue reading “Mulang Alimuom 35: Aling-Pag-ibig-Pa Complex”
Mulang Alimuom 31: Paglulugar ng “Kapangyarihan” ng Ben&Ben at SB19
Apat na beses lámang babanggitin ang salitang “kapangyarihan” sa awit na “Kapangyarihan” ng Ben&Ben at SB19. Sapat na pagkakataon para mapaglimian natin ang nais at ibig sabihin sa atin ng mga musikero hinggil sa salita. Awitin itong hindi lámang para mang-aliw at magdudulot sa atin ng pagkakataong kumawala sa mga realidad ng lipunan. Sa halip,Continue reading “Mulang Alimuom 31: Paglulugar ng “Kapangyarihan” ng Ben&Ben at SB19 “
Mulang Alimuom 29: Wanted: Pinunong Katipunera/o
Mas umaatikabo na ang palabas. Tanghalan nitó ang Sofitel sa Lungsod Pasay para sa mga táong nag-aasam na paglingkuran ang taumbayan sa pambansang antas. Nariyan ang ritwal ng pagpaparetrato, ang mga talumpati, at ang mga hesto ng mga politiko. Pumikit at pakinggan ang kanilang sinasabi. Tila ba pare-pareho? Marahil ang pinakabago ngayon ay ang mgaContinue reading “Mulang Alimuom 29: Wanted: Pinunong Katipunera/o“