Ehersisyo sa Paghinga

Lunas sa Nabubuong Lubos ni Paul Alcoseba CastilloUniversity of Santo Tomas Press, 2021 Masasabi nating nasubok ang paghinga natin sa mga panahon na ito. Naging maingat táyo nang hindi mailagay ang paghinga natin sa alanganin ngayong pandemya. Humikbi táyo at tíla naubos ang hangin sa naging resulta ng eleksiyon habang nagtutuloy ang paghihingalo ng mgaContinue reading “Ehersisyo sa Paghinga”

Daniw sa Pangkaraniwan

Matagal ko nang ipinangako kay Lean Borlongan na gagawan ko ng ribyu ang kaniyang aklat. Marami nang nangyari sa loob ng isang taon at bagaman nabása ko na noong 2021 ang aklat niyang ito, may bago pa ring hinahandog ang tula sa akin ngayong muling binuklat at binása. Nailathala noong 2021 ang Pasakalye, at ikatloContinue reading “Daniw sa Pangkaraniwan”

Isang Tradisyon ng Dahas 

“Gratitude is black— Black as a hero returning from war to a country that banked on his death. Thank God. It can’t get much darker than that.”  Tatlong-kapat ng isang dantaon mula nang lumaya tayo sa pananakop ng mga  dayuhan—ng mga Kano at mga Hapones—at mahirap nang unawain ang uri ng  makalahing hidwaang nakatahi sa diwaContinue reading “Isang Tradisyon ng Dahas “

Pag-ani ng Hiwaga sa Poot at Pait ng Sariling Lupa

Ribyu:            Ang mga Iniiwan ng Tubig ni Jason Tabinas                        Ateneo de Manila University Press, 2020 Sa unang aklat ng mga tula ni Jason Tabinas, masasalat ang matinding pakikipagniig sa lupa. Hindi ito ordinaryong lupain, kundi katutubo at taal sa personang binabagtas ang mga pamilyar na lunan ng gunita sa pagkabata at ang kaakibat naContinue reading “Pag-ani ng Hiwaga sa Poot at Pait ng Sariling Lupa”

Isang Ibig Sabihin¹

Panandaliang kahingian sa pagbása, paglirip ang gumagabay na prinsipyo sa buong koleksiyon ni Patrick Bautista na “Walang Ibig Sabihin.” Inaatasan táyo ng karapatang-sipi na “basahin, i-remix, silaban, punahin, burahin o anupaman” ang koleksiyon. Binubuo ito ng labing-isang maiikling tula. Nangangailangan lámang ng maikling panahon upang mabása ang kabuoan, ngunit mas mangangailangan ng mahabang panahon lampasContinue reading “Isang Ibig Sabihin¹”

Sine sa Panahon ng Pandemya: Isang Paninimbang sa Esensiya ng Pelikula sa Panahon ng Pagsasara ng Non-Essential Businesses

Kaalinsabay ng maraming pagbabago sa pamumuhay na dulot ng pandemya, tila nagbabago rin ang paraan ng pagtanggap sa mga nangyayari sa paligid—kasama ang pagtanggap sa mga pelikula. Dati ay isang gawaing sosyal ang panunuod ng pelikula, kasalo ang maraming tao sa panunuod; ngayon ay mas nagiging personal na dahil sa migrasyon nito sa kani-kaniyang phoneContinue reading “Sine sa Panahon ng Pandemya: Isang Paninimbang sa Esensiya ng Pelikula sa Panahon ng Pagsasara ng Non-Essential Businesses”

May Aswang sa Lungsod: Mito bilang Kolektibong Naratibo sa pelikulang Aswang (2019)

         Marami nang nilikhang mito ang ‘War on Drugs’ ng kasalukuyang administrasyon: salot daw na kailangang unang puksain ang mga drug pusher at user; umaaksiyon daw ang kapulisan; at nanlaban daw ang mga drug pusher at user sa engkuwentro kaya napuruhan.           Sa dokumentaryong Aswang (2019) ni Dir. Alyx Ayn Arumpac, ipinagkakaloob sa lower class angContinue reading “May Aswang sa Lungsod: Mito bilang Kolektibong Naratibo sa pelikulang Aswang (2019)”

Pagpupugay sa Kawalan

Isang Ribyu ng Tay Pilo ni Bayani Banzuela Buong buhay tayong naghahanap ng paraan upang maging buo. Para kay Yani Banzuela, ito ang sentral na suliranin na kailangan niyang matugunan sa koleksiyong Tay Pilo. Binubuo ng siyam na personal na mga sanaysay, isang pagpupugay ang koleksiyon para sa alaala ng kanilang ama—na nabuhay gamit angContinue reading “Pagpupugay sa Kawalan”

Mga Sandali ng Pamana

Papa Teyo ni Mia Baquiran, guhit ni Juno Abreu Paano nga ba isisilid sa maiikli, simpleng pangungusap ang konsepto ng pagtanda at pamana na tiyak mauunawaan ng isang bata? Mahusay na inilahad ang mabibigat at abstraktong mga konseptong ito sa Papa Teyo ni Mia Baquiran; nananalig ang aklat sa halaga ng saglit upang maibahagi angContinue reading “Mga Sandali ng Pamana”

Kapag Naghalungkat, Magtangkang Umawit

Alikwat ni Nat Pardo-Labang Hinabing Salita Publishing House, 2018        Sa Vocabulario de la lengua tagala (1750), isang gawain ng “pagkuha mula sa kailaliman” ang binaybay noon na “alicuat” ng mga Español mulang “alikuat” ng mga sinaunang Tagalog. Isang napakahalagang gawain ito sa mga katutubo noon na maaari din nating ihanay kasáma sa gawain ng paggunita,Continue reading “Kapag Naghalungkat, Magtangkang Umawit”