Mulang Alimuom 42: Emilio Jacinto, kabataang “woke”

Nagdiriwang táyo ngayon ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas at isa sa mga dahilan nitó ang pagkamatay ng rebolusyonaryong manunulat na si Emilio Jacinto noong 16 Abril 1899 sa Laguna. sa edad na 24. Akmang-akma ang gagawin nating paggunita sa ating dakilang bayani sa darating na Mahal na Araw, sa Sabado de Glorya. Kayâ kungContinue reading “Mulang Alimuom 42: Emilio Jacinto, kabataang “woke””

Mulang Alimuom 41: Balagtas, manggagawang pangkultura

Nagdaan muli ang kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar nitong 2 Abril. 234 taóng gulang na siya. Tiyak, nagbigay na naman ang ilang personalidad ng mga talumpating punô ng papuri sa ating makata. Nariyan na ang inmortal na pagbanggit sa kaniyang Florante at Laura (nabása na ba natin ang iba niyang akda?), pagpupugay sa kaniyang pagigingContinue reading “Mulang Alimuom 41: Balagtas, manggagawang pangkultura”

Mulang Alimuom 40: Mga Anak at Tiyanak ng Bayan

Sapagkat kinukutya ng ibang tao ang naging pahayag ng isang marangal na pinuno hinggil sa pagiging gising nang 18 oras, marapat nating pagpugayan ang gumagamit sa panahon nang wasto. Gagamitin natin pangunahin ang lente ng Kartilya ng Katipunan na nagsasaad na: Huwag mong sasayangin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan na’yContinue reading “Mulang Alimuom 40: Mga Anak at Tiyanak ng Bayan”

Sa Ngalan ng Pagsukat

Panahon na naman ng kampanya. Naglipana na naman ang mga mukha at presensiya ng mga sumusuyo sa mga botante. Mapakaratula sa kalsada o ad sa telebisyon, damáng-damá saanman ang mga kandidato; primaryang motibasyon ang pagpapabatid ng plataporma sa mga tao pag-asang maligawan ang mga tao.  Nagpabago sa tanawin ng kampanya ang paggamit ng social mediaContinue reading “Sa Ngalan ng Pagsukat”

Mulang Alimuom 39: Ang Magbangon ay Di Biro

Sa pagpapatuloy ng ating pagninilay sa mga tanawing pangwika, pagtutuonan natin ng pansin ngayon ang paggamit ng “bangon” ng isang kandidato sa pagkapangulo. Ating hahanguin ang mga kahulugan nitó mula sa kasalukuyan pabalik sa mas sinauna. Una, ang mga halimbawa nitó sa kasalukuyan at kulturang popular. Tanyag na tanyag riyan ang paggamit ng isang brandContinue reading “Mulang Alimuom 39: Ang Magbangon ay Di Biro”

Mulang Alimuom 38: Bílang Filipino

Pagkakataon ang eleksiyon upang masipat at mapagnilayan natin ang ating tanawing pangwika o linguistic landscape. Gagamitin natin ang batayang kahulugan nitó na pumapatungkol sa ating nakikitang mga wika sa iba’t ibang paskil sa ating paligid. Hindi ba babád na babád táyo ngayon sa inilalapit sa ating mensahe ng mga politiko? Isang mainam na ehersisyo angContinue reading Mulang Alimuom 38: Bílang Filipino

Dilang Pampinuno

Noong Sabado ng gabi, inabangan ng daang libong Filipino ang Jessica Soho Interviews sa apat [lima sana] na kumakandidato sa pagkapangulo at top 5 sa mga survey: VP Leni Robredo, Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao, at Mayor Isko Moreno Domagoso. Habang isinusulat ang artikulong ito, may 2.4 million views na ang nasabing palabas saContinue reading “Dilang Pampinuno”

Mulang Alimuom 37: Frankly, Manong Frankie

Hindi alam ni Manong Frankie ang pangalan ko. Wala kaming anumang relasyon bukod sa relasyong awtor-mambabasá. Iyon naman ang mahalaga. Kung may poetic distance, matatawag natin itong prosaic distance. Tipong mala-sagang Rosales ang layo. Ang distansiyang ito ang magbibigay rin sa akin ng udyok na magbahagi ng ilang mga karanasan (totoo ang karamihan dito) kasamaContinue reading “Mulang Alimuom 37: Frankly, Manong Frankie”

Pagmumuni sa Pinagmulan: Bitag sa Pananagisag

Muli na namang nawili ang bansa sa koronasyon ng ika-70 Miss Universe noong 13 Disyembre 2021. Bagaman hindi nasungkit ng pambato ng Filipinas na si Beatrice Luigi Gomez ang pinakainaasam na korona, samot-saring balita at suporta ang ating mababasa sa social media sites: hindi biro umano na makapasok muli ang Filipinas sa Top 5; ginawaContinue reading “Pagmumuni sa Pinagmulan: Bitag sa Pananagisag”

Mulang Alimuom 36: Mga Nakaw na Salita

Ngayon at nangangampanya na ang mga politiko, angkop na pagkakataon ito upang makilala natin ang mga gawi ng magnanakaw. Alam naman natin ang gawain ng magnanakaw: kumukuha siya ng mga bagay na hindi kaniya. Nagkakamal siya ng kayamanan (sa kaso ng mga politiko, kaban ito ng bayan) ng ibang tao at ginagamit upang matiyak angContinue reading “Mulang Alimuom 36: Mga Nakaw na Salita”