Nagpunta ako kamakailan sa Bohol, ang lalawigang kinaroroonan ng tanyag na Chocolate Hills. At dito, naobserbahan ko ang tinatawag na Rice Terraces Syndrome1 ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario. Upang maipaliwanag ang syndrome na ito, ganito ang nangyari: ulit-ulit akong nagtanong sa mga nakasama sa tawag nilá sa kanilang ipinagmamalaking mga buról saContinue reading “Mulang Alimuom 48: Rice Terraces Syndrome sa Chocolate Hills”
Category Archives: Akda
Walang Lahi
Nitóng mga nakaraang buwan, masugid akong sumusubaybay sa tatlong Facebook groups tungkol sa mga pusa. Sa mga pahinang ito, karaniwan nang paskil ang mga nakakatawang retrato ng alagang pusa ng mga Pinoy furparent, mga tanong tungkol sa mga dapat gawin kung unang beses maging meowmy or meowdy, lost and found na mga pusa, at tipsContinue reading “Walang Lahi“
Mulang Alimuom 47: Ibalik ang tula sa puso ng madla
Dalawa na ang tampok na pagdiriwang sa Filipinas tuwing Nobyembre. Nariyan na ang kaarawan ni Andres Bonifacio, isang pambansang holiday tuwing 30; at ngayon, ang Pambansang Araw ng Pagtula tuwing 22 Nobyembre. Mauuna ang pagdiriwang para sa pagtula at ang petsang ito ang kaarawan ng dakilang makatang si Jose Corazon De Jesus (22 Nobyembre 1894–26Continue reading “Mulang Alimuom 47: Ibalik ang tula sa puso ng madla”
Gunita at Patuloy na Mis-edukasyon ng Filipino
Walang gamot Sa paglimot Isang salawikaing Tagalog Maaari na marahil lagumin ng salawikaing ito ang dinadalumat ngayong mga dahilan ng pagkalimot ng mga Filipino. Kung nagiging mabisa ang salawikain sa kakayahan nitóng manganak ng mga kahulugan, ano ang sinasabi nitó sa atin? Na kapag lumimot ay wala nang balíkan sa kung ano ang nása atingContinue reading “Gunita at Patuloy na Mis-edukasyon ng Filipino”
Mulang Alimuom 46: Walang Hospitality ang mga Filipino
May nagtanong sa akin na iskolar ng turismo kamakailan hinggil sa “hospitality.” Naghahanap kasi siya ng mga salita mula sa ating katutubong wika na may kaugnayan sa “hospitality.” Napakagandang pag-uusisa ito lalo na mula sa hanay ng mga nagsasaliksik hinggil sa turismo at hospitality management. Kayâ ugatin muna natin ang “hospitality” na lagi nating ikinakabitContinue reading “Mulang Alimuom 46: Walang Hospitality ang mga Filipino“
Isang Lápit sa Dalamhati
Dalawang taon na táyo sa pandemya. Marahil noong Marso 2020 hindi natin lubos maisip kung paano táyo hahantong sa 2022, o sa susunod na buwan, o susunod na araw lalo’t kabi-kabila ang nakararating na mga balitang malagim. Nadádamá na sa bawat araw na lumilipas, papalapít nang papalapít sa atin ang epekto ng pandemya, sa aspektoContinue reading “Isang Lápit sa Dalamhati”
Limang Tula ni Giancarlo Abrahan
HANGAL Hindi ko na malaman kung sumasayawSiya nang wala sa tiyempo o sadyangSalungat ang mga paang papalapitSa bingit at pag-asa nang magkasabay.Magkabilang bagsak ng paa’y kapuwaNaninindigan ang pagsulong. May banginSa kanluran at sumisilang ang arawSa kabila. Kung mahulog nga siya,Maaaring hindi lámang namalayangUlap na ang kaniyang tinatapakan,Maaaring kusa lang siyang tumalon—Posible pareho. At maaari ringSinusundanContinue reading “Limang Tula ni Giancarlo Abrahan”
Mulang Alimuom 45: Buwan ng Pagninilay para sa Wika
Sa apendiks ng A Matter of Language ni Rolando S. Tinio, matatagpuan ang sanaysay na “Pilipino as a Medium for Higher Learning.” Panayam ito na ibinigay niya noong 1974 sa isang kumperensiya sa edukasyong bilingguwal sa Pamantasang Ateneo. Dito, ibinahagi ni Tinio ang kaniyang mga haka sa paggamit ng wikang pambansa sa antas tersiyarya. BahagiContinue reading “Mulang Alimuom 45: Buwan ng Pagninilay para sa Wika”
Mulang Alimuom 44: Pitóng Memo Mula at Tungo sa Ating Marangal na Tagumpay
Marami sa atin marahil ang nagdadalamhati. Ibinuhos na nating lahat para sa pagtataguyod ng pamumunong malinis at marangal. Kinulang ba táyo? Hinding-hindi. Ibinibigay sa atin ngayon ng panahon ang pagkakataon na magnilay at magpahinga. At matapos ito, ang walang-hanggang trabaho. Panimulang tangka ito sa paglalatag ng mga gabay para sa pagpapatuloy ng Himagsikang Rosas. UnaContinue reading “Mulang Alimuom 44: Pitóng Memo Mula at Tungo sa Ating Marangal na Tagumpay”
Mulang Alimuom 43: Liwanag (at/sa) Dilim
Nagtutuloy ang Himagsikang Rosas at kinakailangan ng anumang himagsikan ang mga imno upang pasiglahin at pag-alabin ang kalooban ng mga kaanib nitó. Sa kaso nating ito, nariyan ang mga awiting “Rosas,” “Kay Leni Tayo,” at “Liwanag sa Dilim.” Pag-uukulan natin ng pansin ngayon ang “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya at iuugnay ito sa konsepto ngContinue reading “Mulang Alimuom 43: Liwanag (at/sa) Dilim”