Salaisai sa Paghidag̃ nag̃ Catouang nang Houad na Dato

Boxer Codex (1595)

Domadami na ang gampanin nang̃ atyg̃ hoauad na pinono. Madaming gaoain ag̃ ydinodolog nang mamamaian sa arao at gabi. Mai miminsan y nagpahig̃a ang pinono at ynioang oalang paalam ang caniag̃ nasasacopan. Hindi naman alintana nang mamamaian ang pagcaoala nang houad na dato. Nagpatoloi syla sa canilag̃ gaoain.

Ang boong acala nang dato, mai malaquing piguing na ynihanda ang mamamaian sa caniag̃ pagbabalyc. Ngoni,t anong toloi lamag̃ sa gaoain sylag caniag̃ mag̃a inioan. Sa ysip nang mamamaian, cahit lomitao ang dato o hyndi, oala ciang halaga. Hyndi naaalis sa canilag̃ ysip na nacaopo lamag̃ sia sa ipinagoag opoang pinagbouisan nang bohai nang canilag̃ mag̃a casama. Nacatatac na ang pag̃iaiarig̃ iyon sa casaisaian nang canylang abang baian.

Aanhin ciang pono na hyndi namomog̃a nang magagandag̃ gaoa.

Nababatid nag houad na dato na hyndi natotoua ang mamamaian sa caniag̃ pag idal. Oalang halaga na nadoon cia, nasasaysip nang dato. Mai ypinatotopad ciag̃ ayao sondin nang caniag nasasacopan. Naguing madalang na lamag ang nag-aalai nang canylang ani at tanguing tatlong tao na lamag̃ ang palaguing homahalic sa caniag̃ paahan bylang tanda nang paggalag̃ at pagsamba. Ag̃ ibang mamamaian, pynipiling ypadala ang idodolog toing gaby, capag tolog na sa caniag̃ opoan ang dato, at tolog dahil sa cabosogan ang caniag̃ mag̃a alagad. Ayao na ciag̃ caosapin nang boong baian.

Caia omisip cia nag̃ padaan opag̃ mapasonod at mapadusahan ang somosooai sa caniag̃ nais. Cailag̃an nia nang canag̃ camai na mas mabigat ang paghatol caisa sa cania. Cailag̃an nia nang catouang na totopad sa caniag̃ manga hylig at magpapatao nang hyrap sa hyndi sosonod sa canila.

Maydoon na ciag̃ nasasaysip.

Ciag̃ matagal nang nasa caniag̃ taby, ang daquilag̃ tagabolog̃ nang iidal na mag̃a patacaran sa baian. Si Namyda.

Ypinataoag nang dato ang iba pang tagapaiong mola sa baian. Sylang tagapaio lamag̃ sa pangalan ngoni,t hyndi pinahintolotang gampanan ang sinompaang gaoain. Tomotol syla sa paghidag̃ cai Namyda. Ang togon nang manga tagapaio: oalang basbas nang mga bathala nang baian si Namyda, na ysag̃ tagalabas. Ag̃ mag̃a bathala,y nagpapatopad nang pagsoboc sa sinomag̃ nais nylag̃ maglingcod sa baian. Labis na maylap ang mag̃a bathala at mai tacdang panahon opag̃ pagdaanan ang tinotocoy na pagsoboc. Batai sa tagatala nang baian, tomatagal nang ylag̃ taon opag̃ mapatonaian sa mag̃a bathala na ang ysa y nadadapat sa canylag̃ pagpapala.

Synobocan nag̃ dato at ni Namyda na lomapit sa mag̃a bathala. Ypinag otos nag̃ dato na ialai nang boong baian ang canylag̃ manga ani opag̃ macoha ang pagpapala nang mag̃a bathala.

Ylang boan omidal ang pag aalai na yto ngoni,t cahit sa panaguinip nang dato at ni Namyda y hindi nagpaquita ang mag̃a bathala.

Dahil sa caotosan nang dato na ialai ang mag̃a ani, lomagi sa cagotoman ang boong baian. Oala na sylag̃ lacas opag̃ gaoin ag̃ yba pag otos nang dato.

Lomipas ang ysag̃ taon ngoni,t oala pang basbas nang mag̃a bathala si Namyda.

Sa galit ni Namyda y pinagsosonog nia ang gobat sa cabondocan at ipinabaclas ang dambanang ypinataio para sa mag̃a bathala.

Naysip nang mamamaian, yto ang onag̃ pagcacataon na naguing maylap sa isang dato ang mag̃a bathala. At hyndi na syla nagtaca. Maguing ang mag̃a bathala y nilisan na ang canilag̃ abang baian.—Ona Persona Catotobo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: