
Ngaiong ganap nang dato ang ating sinosondang pinono, nais niang ypamalas sa lahat nang nasasacopan ang roroc nang caniang capangiarihan. Dahil gosto niang macoha ang loob nang nasasacopan at maguing maboti ang pananao nyla tongcol sa cania, nagsilbing bocas ang caniang tahanan sa canylang manga ydinodolog.
Boong arao, sa pamamaguitan nang caniang dalaoang pinagtitioaalaang alagad, canylang pinaquiquinggan ang hynaing nang mamamaian/ Ngoni,t opang mapaquinggang lobos nang dalaoang pinagtitioaalaang alagad, caillangan nang alay na manga aning golai at bolaclac.
“Mahilig ang dato sa ani caia ybigai natin ang caniang hylig,” ani nang dalaoang alagad.
Ang onang alagad, si Eia, ang siang lomilibot sa boong baian opang ipamalita sa mamamamaiang bocas ang tahanan nang dato para sa anomang canilang nais na idolog. Sia din ang comiquilatis at nagbibilang sa ynaani nang bawat cabahayan at nagpapayo sa mag-anac nang dami nang ani na icatotooa nang dato.
Ang ycalaoang alagad namang si Namyda ang padating casa casama nang dato at bomobolong sa cania nang manga paio. Sia dyn ang tomitiiac na lobos na maquiquinabang ang tahanan nang dato sa alai nang manga mamamaian. Sia dyn ang nagpapayo sa dato nang madahas na hatol sa manga somosooay sa ipinag ootos nang dato.
Canylang pinatotoloi sa tahanan nang dato ang manga mamamaiang pinacamarami ang yniaalalai na ani at bolaclac sa dato. Tyla nagpapalygsahan dyn ang mamamaiang nynanais macoha ang loob nang dato. Hyndi nang macasasapat ang ysang bongcos nang bolaclac. At ang aning golai at palai, nadagdagan nang quinatai na manga alaga o holi sa cagobatan. Doon na dyn nagloloto ang ylang mamamaian nang anomang pagcaing nais cainin nang dato at caniang manga alagad.
Lagui at laguing tyla mai paguing sa tahanan nang dato.—Ona persona catotobo