Caranioan lamag̃ silag̃ manga mandirigma nang otosan nang dato na magtog̃o sa malaiong pooc opag̃ maquipagdigma. Opag̃ ipagpatoloi ang dalisai at tanda nang digma. Ngoni, t, nagtog̃o din sila. Tomaoid nang bondoc. Namag̃ca sa dalaoang pampag̃. Pomaslang nang ilag̃ haiop sa gobat. Hindi nila nadating ang dapat madating at yomao sa iba ibag̃ dahil. Natacot an dato sa paghihintai. Nagtog̃o sia sa holing pooc na nabalita namataan ang manga mandirigma. Sa caniang paglalacbai, natantog̃ magtipon nang manga tao. Kinaibigan nia ang cug̃ sino. Cahit talioas sa paninioala at mapag̃anib, casama nia ang manga ito hangga dumatig̃ sa pinaglagacan nang manga labi nang naonang mandidigma. “Cayo ang tataoagin cog̃ baiani1,” sabi nang dato. Uala pa mag̃ napapatunayan ang manga banguit at mai doda ang manga guinaoa bago maquilala, nagtongo rin sila pabalic sa baian. Naona nang naghanda ang baian sa pagbabalic nang manga bayani.
Sinalobong sila nang honosan2. Nagauitan ang manga macata nang tagompai at dayao3. Moli nilang binalican ang cadaquilaan nang manga nagbalic na baiani. Tag̃an nang macata ang bolaoang suñay nang anoang1 at omalingaogngao ang dioang sa bayan. Higit isag̃ lig̃o nagtagal ang padangal. Naobos ag̃ naymbac na pagcayn at alac. Hangga sa dolo, ninais nang dato na quilalanin nang baian ang manga nagaoa nang baiani hangga mai batag̃ nagtanog̃, “baquit natin sila pinadag̃al?”
Oalang nacasagot. Nanginig ang dato sa mosmos na nagtanog̃. Sa tahimic, natanto nang madla ag̃ nag̃iarig̃ palabas. Nalasaan sa hangin, sa oaoalang salita, añ baloctot at galet.
Matapos ag̃ ganap, naypasa ito, t unag̃ naytala bilag̃ parag̃álan4.—Ona Persona Catotobo
1Bayani—Sa Vocabulario de la lengua tagala, nangangahulugan itong “matapang, malakas ang loob.” Sa Barangay ni William Henry Scott, tinatawag na ganito sa habambuhay ang tunay na matatapang at naging matagumpay sa pakikidigma.
2Honosan—Sa Vocabulario, mga papel o palito na nagdadala ng suwerte.
3Tagumpay at Dayaw—Sa ST, inaawit para sa tagumpay. Isang tula. Ang dayaw sa ST ay isa ring awit ng tagumpay. Dagdag pa, inaawit ito habang itinatanghal ang mga bilanggo o mga bagay na nasamsam sa digmaan.
4Parangalán—Sa Vocabulario, magpasikat ng isang bagay sa pamamagitan ng pagpapakita rito. Isa pang kahulugan sa kasingkahulagan na parangyia, labis na kahambugan.